Tuguegaro City – Nagsagawa ng Community Outreach Program sa Capatan Integrated School ang mga tauhan ng Tuguegarao City Component Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Ronald Gatan sa Capatan, Tuguegaro City, Cagayan, nitong Setyembre 27, 2023.
Pinangunahan ni Police Captain Ana Marie Anog, Chief CADS, ang aktibidad katuwang ang SM Tuguegarao City, Isabela Icon Eagles Ladies Club at mga estudyante ng University of St. Louise Tuguegarao.

Nasa 925 na mga estudyante ang naging benepisyaryo sa isinagawang feeding program at pamamahagi ng school supplies.
Samantala nakatanggap din ng cleaning materials ang paaralan at recipe booklet naman sa mga guro na labis nilang ikinatuwa.

Laking pasasalamat ni Ginoong Jay Loren C Tabugay, School Principal, dahil ang paaralan nila ang napiling handugan ng mga serbisyong dala ng mga grupo.
Naroon din ang mga miyembro ng Regional Police Community Affairs and Development Unit (RPCADU) 2 sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Efren L Fernandez II, Officer In-Charge.
Magpapatuloy ang hanay ng Pambansang Pulisya na maghahandog ng mga serbisyo katuwang ang iba’t ibang stakeholders upang mas lalong mapatatag ang ugnayang pulisya at komunidad.
Source: Tuguegarao City Component PS