Tarlac – Nagsagawa ng Clean-Up Drive ang Ramos PNP sa paaralan ng Ramos National High School ng Ramos, Tarlac nito lamang Martes, ika-26 ng Setyembre 2023.
Ang naturang aktibidad ay pinamunuan ni Police Major Marvin Mara, Chief of Police ng Ramos Municipal Police Station.

Bilang pagbibigay ng malasakit sa ating kalikasan, winalisan ng mga awtoridad ang mga nakakalat na nalagas na dahon at basura sa nasabing paaralan.
Kaugnay ang naturang aktibidad sa PNP Core Values na “Makakalikasan”.

Layunin nito ang mapangalagaan ang ating kalikasan at mapanatili ng kalinisan ng ating kapaligiran.
Sinisiguro ng Ramos PNP na patuloy na makikiisa sa pangangalaga at kaisa sa malasakit ng ating inang kalikasan lalo na sa kanilang nasasakupan.
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera