Cavite ā Tinatayang Php264,000 halaga ng marijuana ang nasabat sa apat na suspek sa isinagawang buy-bust operation ng DasmariƱas City PNP nito lamang Marites, Setyembre 26, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Eleuterio Ricardo Jr, Officer-In-Charge ng Cavite Police Provincial Office, ang apat na suspek na sina Alias āJaysonā, āRayā, āMarkā at āNoel, pawang mga residente ng City of DasmariƱas, Cavite.
Naaresto ang mga suspek sa Brgy. Paliparan 3, City of DasmariƱas, Cavite ng mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit at DasmariƱas Component City Police Station.
Nasamsam sa mga suspek ang dalawang plastic wrap brick at apat na zip lock plastic na naglalaman ng marijuana na may timbang na 2,200 gramo at nagkakahalaga ng Php264,000, dalawang android phones, isang backpack, isang pirasong Php500 bill, at 14 pirasong Php1,000 bill bilang buy-bust money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article ll ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Lalo pang pagsisikapin ng DasmariƱas City PNP ang paghuli ng mga taong nagpapalaganap ng ilegal na droga para mapanatili ang kaayusan, katahimikan, at kaunlaran ng bayan.
Source: Cavite Police Provincial Office
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin