Sunday, May 18, 2025

Halos 99.55% Organic Personnel ng Police Regional Office 6, sumailalim sa drug testing; 3 nag-positibo

Sa determinasyon at dedikasyon ng Police Regional Office 6 upang malinis ang hanay mula sa anumang kaugnayan sa ilegal na droga, higit 99% sa buong hanay ng PRO6 ang nag-negatibo sa drug testing.

Noong Setyembre 25, 2023, nagsagawa ng Press Conference ang PRO6, sa pangunguna ng Regional Director na si PBGen Sidney Villaflor, at ipinahayag nito ang resulta ng Drug Testing na isinagawa sa mga organic personnel ng Police Regional Office 6.

Sa report ng PRO6, mula sa mahigit 13,000 na miyembro nito ay 99.55% na mga organic personnel ang sumailalim sa drug test, tatlo (3) sa mga ito ang nagpositibo na nagmula sa Negros Occidental Police Provincial Office, Capiz Police Provincial Office, at Antique Police Provincial Office.

Ayon kay PBGen Villaflor, isinailalim ulit ang tatlong personnel na nag-positive sa Re-confirmatory Test upang mabigyan ang mga ito ng pagkakataon na patunayan na hindi sila gumagamit o sangkot sa anumang gawain na may kinalaman sa ilegal na droga.

Kaugnay rito, kanya ring sinabi na ang tatlong nagpositibo ay pansamantalang dinis-armahan, pinakumpiska ang kanilang mga IDs at Badges, at sila ay kasalukuyang nasa Holding Center para sa patuloy na imbestigasyon.

Ayon pa kay PBGen Villaflor, napakaliit lamang na porsyente ang tatlong personnel na nagpositibo sa drug test kung ikukumpara sa kabuuang mahigit 13,000 na Organic Personnel ng PRO6. 

Samantala, nanawagan din ang PRO6 top cop sa mamamayan upang makialam at makipagtulungan sa pamamagitan ng pagrereport sa mga pulis na nauugnay sa ilegal na droga. 

Aniya, “Tulungan nyo po kaming linisin ang aming hanay, magbigay-alam po sa pamamagitan ng aming mga hotline numbers o pumunta sa pinakamalapit na police stations kung may nalalaman po kayo patungkol sa mga pulis na nauugnay sa ilegal na droga. Ang impormasyon at katauhan nyo po ay aming itatratong confidential. Makialam po tayo para sa mas mahusay na serbisyo ng inyong kapulisan”.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,570SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles