Saturday, May 17, 2025

RMFB2, nanguna sa paghatid ng labi ng isang CTG sa huli nitong hantungan

Cagayan – Pinangunahan ng Regional Mobile Force Battalion 2 sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Virgilio Abellera Jr, Force Commander, katuwang ang 17IB at MICO at kasama ang mga malalapit nitong  kaibigan at mga kaanak ang  paghatid sa labi ni Michelle, isang CTG sa Lasam, Cagayan noong ika-23 ng Setyembre 2023.

Matatandaan na noong Setyembre 12, 2023 ay natagpuan ang bangkay ni Michelle sa Sitio Kalatnitan, Brgy. Masi, Rizal, Cagayan at inihatid ang kanyang labi sa kanyang kaanak noong Setyembre 15, 2023 sa Brgy. Peru, Lasam, Cagayan.

Labis ang pasasalamat ng ina ni Michelle sa mga kapulisan at kasundaluhan sa tulong na iniabot upang mabigyan ng disenteng libing ang kanyang anak.

“Ako ay taos pusong nagpapasalamat sa mga kapulisan at kasundaluhan dahil simula pa lang noong natagpuan ng RMFB 2 ang labi ng aking anak, ay hindi na sila tumigil sa pagpapaabot ng tulong”, saad ng ina ni Michelle.

Samantala, ang pagtulong ng kapulisan, kasundaluhan at LGU Lasam ay nagpapakita na hindi nila pinapabayaan ang ating kababayan kahit na minsa’y tinutuligsa nila ang gobyerno. Nananaig pa rin ang pagmamalasakit at pagkakawanggawa upang ipadama na niyayakap pa rin sila ng gobyerno.

Patuloy pa ring hinihikayat ng Valley Cops sa pamumuno ni Police Brigadier General Christopher Birung ang mga nasa kabundukan pa na bumaba at magbalik-loob na sa gobyerno upang matamasa ang magandang buhay sa kapatagan kasama ang mga mahal sa buhay.

“Unti-unti ng nababawasan ang pwersa ng makakaliwang grupo kung kaya’t hinihingi ko ang tulong ng sambayan upang tuluyan ng matuldukan ang suliranin sa insurhensiya. Malaking tulong ang pagbibigay ninyo ng impormasyon sa amin kaugnay sa mga makakaliwang grupo upang masugpo ang insurhensiya sa Lambak ng Cagayan.”

Source: PRO2

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,570SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles