Sultan Kudarat – Sumuko ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa mga awtoridad sa Brgy. Poblacion, Kalamansig, Sultan Kudarat nito lamang ika-24 ng Setyembre 2023.
Ayon kay Police Major Heilbronn Okoren, Hepe ng Kalamansig Municipal Police Station, dakong 5:30 ng hapon nang sumuko sa kanilang istasyon si alyas “Ka Jahn Rey”, 21 anyos.
Ang pagsuko ng naturang CTG ay dahil sa serye ng negosasyon ng Kalamansig PNP, Regional Intelligence Division Tracker Team Delta, at Sultan Kudarat 2nd Provincial Mobile Force Company.
Patuloy naman ang panawagan ng PNP sa mga natitira pang mga miyembro ng rebeldeng teroristang grupo na magbalik-loob at magsimulang muli kasama ang kanilang sariling pamilya.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin