Saturday, May 17, 2025

Php2.7M halaga ng shabu nasamsam sa buy-bust ng Quezon PNP; HVI arestado

Quezon – Nasamsam ang tinatayang Php2,754,000 halaga ng shabu sa isang High Value Individual (HVI) sa ikinasang buy-bust operation ng Quezon PNP nito lamang Setyembre 24, 2023.

Kinilala ni Police Colonel Ledon Monte, Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Tigas’’, 30, residente ng Brgy. Ibabang Iyam, Lucena City, HVI at may mga dating pagkakasangkot sa kaso ng droga.

Naaresto ang suspek sa Brgy. Ibabang Iyam, Lucena City sa pinagsanib puwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit-Quezon Police Provincial Office, Provincial Intelligence Unit-QPPO, Philippine Drug Enforcement Agency 4A-Quezon at Lucena City Police Station Intel/Station Drug Enforcement Unit.

Nasamsam sa suspek ang dalawang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet at dalawang pirasong nakataling supot ng hinihinalang shabu na may humigit kumulang na timbang na 135 gramo na nagkakahalaga ng Php2,754,000, 10 pirasong Php1,000 bill bilang buy-bust money at isang itim na belt bag.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

“Anumang araw o oras ang Quezon Police ay mas pinalalawak ang bawat kampanya kontra ilegal na droga upang ang ating pamayanan ay masiguro sa bantang maaaring idulot nito sa ating kababayan. Ang pinaigting na mga operasyon sa buong lalawigan ay ating pinaiiral bilang pagbabantay sa tahimik, ligtas, at maunlad na bayan”, ani PCol Monte.

Source: Quezon City Police Provincial Office

Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,570SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles