Oriental Mindoro – Nagsagawa ng PNP Community Outreach Program ang mga tauhan ng Bulalacao Municipal Police Station sa Sitio Cavilian, Brgy. Nasucob, Bulalacao, Oriental Mindoro noong ika-23 ng Setyembre 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Executive Master Sergeant Rony Garcia, MESPO, sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Captain Bobby Tesalona, Officer-In-Charge ng Bulalacao MPS.

Ngiti at pasasalamat ang naging sukli ng mga kabataan sa nabanggit na lugar sa kanilang serbisyong natanggap mula sa ating mga kapulisan.
Patuloy ang Bulalacao MPS sa paghahatid ng serbisyo sa kanilang nasasakupan upang mas mapagtibay ang ugnayan ng PNP at komunidad.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus