Cebu City – Arestado ang tinuturing na No. 3 Provincial Most Wanted Person ng Cebu sa isinagawang pagsisilbi ng Warrant of Arrest ng Cebu City PNP sa kasong 3 Counts of Rape dakong alas-2:00 ng hapon noong Huwebes, Setyembre 21, 2023 sa Sitio Tintay, Brgy. Talamban, Cebu City.
Kinilala ni Police Major Angelito Marquez, Police Station 8 Commander ng Cebu City Police Office, ang akusado na si “Giovani”, 32 anyos, residente ng Brgy. Talamban, Cebu City.
Hangad ng buong kapulisan ang katiyakan ng kaayusan, kaligtasan at kapayapaan ng komunidad kung kaya patuloy ang mga awtoridad sa pagpapaigting ng kanilang serbisyo.