Romblon – Naghandog ng 140 pares ng tsinelas ang mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station sa mga estudyante ng Malilico, Elementary School nito lamang Biyernes, ika-22 ng Setyembre 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Edwin Bautista, Acting Chief of Police ng Odiongan MPS kasama si Odiongan Vice Mayor Diven Fos Dimaala na siyang number 1 sponsor.
Bukod sa libreng tsinelas ay naghandog din ang mga ito ng libreng meryenda para sa mga estudyante ng nasabing paaralan.

Layunin nito na maihatid ang serbisyo sa ating kababayan lalo na sa mas nangangailangan upang maipadama ang serbisyo ng kapulisan.
Hindi mapapagod ang PNP sa pagbibigay ng serbisyo sa ating mamamayan na bahagi ng programa ng Revitalized PNP KASIMBAYANAN o Kapulisan, Simbahan at Pamayanan.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus