Isabela – Muling umarangkada sa isinagawang Community Outreach Program na Project Makabaryo (Serbisyong May Malasakit Katuwang ng Baryo) ang 2nd Isabela PMFC sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Avelino Canceran Jr na ginanap sa Brgy. Dallao, Cordon, Isabela noong ika-21 ng Setyembre 2023.
Isinagawa ang aktibidad sa pamamagitan ng pamamahagi ng bitamina, mga gamot, damit, mga binhing gulay na itatanim at kasunod ay feeding program sa mga Kindergarten, mga magulang at iba pang residente sa naturang barangay na pinangunahan ng 2nd Platoon ng 2nd Isabela PMFC sa pangunguna ni Police Captain Jake Raul Cabauatan

Samantala, hinimok naman ni Police Captain Cabauatan ang mga magulang na kung mayroon mang mga nangyayari o mangyayaring panlilinlang na naghihikayat nang pagsanib sa makakaliwang grupo ay huwag magpalinlang sapagkat tuluyan itong makakasira ng kanilang kinabukasan.

Pahayag naman niya na hindi papayagan ng kapulisan na magkaroon ng ganoong sitwasyon sapagkat patuloy at hindi magsasawa ang pamahalaan na tumugon at sumuporta sa pangangailangan ng mamamayan.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga naturang benepisyaryo at makikita sa kanilang mga mukha ang galak na may kapulisan na bumibisita at nagbibigay ng tulong sa kanilang lugar.
Humigit kumulang 200 benepisyaryo ang nabigyan ng tulong at serbisyo sa isinagawang aktibidad na nagkakahalaga ng Php10,000.
Layunin ng aktibidad na mapaigting ang ugnayan ng kapulisan sa komunidad lalo na sa mga malalayong pook kung saan bihirang mapunta sa siyudad ang mga residente. Sa pamamagitan nito, maisasapuso nila na ang pamahalaan ay walang pinipiling mamamayan na abutan ng tulong.
Source: 2nd IPMFC
Panulat ni PSSg Jerlin V Animos