Samar – Naaresto ng mga operatiba ng PNP at PDEA 8 ang isang High Value Individual sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Mercedes, Catbalogan City, Samar nitong ika-20 ng Setyembre 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Norman Ala, Officer-In-Charge ng Catbalogan City Police Station, ang naaresto na si alays “Empe”, High Value Individual at isang Government Employee.
Bandang 10:20 ng umaga nang isagawa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Catbalogan City Police Station-Station Drug Enforcement Team at Samar PPO-Provincial Drug Enforcement Unit kasama ang PDEA-8 Samar Provincial Office.
Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang pirasong sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng mahigit kumulang sa 0.76 gramo na tinatayang may market value na Php6,000.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at pansamantalang nakakulong sa Catbalogan CPS Lock-up Facility.
Ang matagumpay na operasyon ay bahagi ng patuloy na kampanya ng PNP laban sa paglaganap ng ilegal na droga sa lugar, at nagpapakita lamang ito ng kanilang determinasyon na mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa komunidad.