Davao City (January 12, 2022) – Inilabas ng 10th Infantry AGILA Division ang pinakabagong facial composite sketch ni Eric Jun Casilao alyas ELIAN/WALLY, isang Notorious Communist Terrorist Leader sa Southern Mindanao. Ang sketch ay inilabas mula sa Philippine National Police Forensic Group, Regional Forensic Unit 11, noong Enero 12, 2022.
Ang larawan ay base sa pagbubunyag ng mga dating high-value individual na dating kasama ni Casilao habang nasa loob ng Communist NPA Terrorist movement.
Si Eric Jun Casilao, 43 taong gulang na kapatid ng dating kinatawan ng ANAKPAWIS na si Ariel Baring Casilao ay kasalukuyang kalihim ng Southern Mindanao Regional Committee (SMRC) ng CPP-NPA. Ito ay naiulat na humigit-kumulang 20 taon na sa nasabing Communist Terrorist Group (CTG) kasama ang kanyang asawa na si May Casilao alyas GAB.
Bukod dito, nahaharap si Casilao sa maraming kasong kriminal tulad ng dalawang bilang ng pagpatay na may mga numerong 8555-2013 at 8556-2013 na parehong inisyu ng Regional Trial Court 11, Branch 3 sa Nabunturan, Davao De Oro dahil sa mga kasong kidnapping at serious illegal detention.
Sa isang virtual presser sa Davao noong Enero 10, 2022, sinabi ni Gen Jesus P Durante III, 1001st Infantry Brigade, Commander na itinuturing nilang kriminal si Casilao at kinumpirma niya na siya ay inihahanda para maging kahalili ni Menandro Villanueva (Ka Bok) bilang kalihim ng Komisyong Mindanao.
“Tulad ng nangyari kay ‘Bok’, nagbigay kami ng mga poster para sila ay makapag-coordinate sa amin,” dagdag ni Gen Durante.
Samantala, sinabi ni MGen Ernesto Torres Jr, 10ID Commander, na ang sinumang makapagsasabi ng kinaroroonan ni Eric Jun Casilao alyas Elian o Wally ay makakakuha ng pabuya na ibibigay ng Department of National Defense (DND) at ng Department of Interior and Local Government (DILG) na nagkakahalaga ng Php5,400,000.
“Maaaring tinapos na natin ang reign of terror nina Kaye at Bok (Politburo nembers) pero magtatagal pa rin ang insurgency kung hindi natin mapapawi ang natitirang pamunuan ng SMRC. Kaya naman, nananawagan ako sa bawat mamamayan na patuloy na suportahan ang ating kampanya laban sa teroristang grupo. Ang inyong impormasyon at pakikipagtulungan ay mahalaga sa amin. Patuloy tayong magtulungan sa ganap na pagkamit ng ating sama-samang pananaw sa pagkamit ng isang mapayapang kapaligiran na handa para sa karagdagang pag-unlad.” dagdag ni MGen Torres.
#####
Panulat ni Pat Vergara
Salot sa lipunan ipagbigay alam sa mga kapulisan