Nagsagawa ng Community Awareness Drive ang mga tauhan ng Police Community Affairs and Development Group na ginanap sa Melchora Aquino High School, Quezon City nito lamang Miyerkules, Setyembre 20, 2023.
Ang aktibidad ay naisakatuparan sa pamumuno ni Police Colonel Lou Evangelista, Director, PCADG, sa pamamagitan ng Community Assistance and Development Division (CADD) na pinangangasiwaan naman ni Police Lieutenant Colonel Veronica Peñalosa, OIC, CADD, katuwang ang National Capital Region Civilian Volunteer Group, Association Inc., NCR-VG, (PNP Accredited NGO) at ng mga tauhan ng QCPD, PS-14.

Nagkaroon ng talakayan tungkol sa Crime Prevention, Anti-Illegal Drugs, at RA 11313 (Bawal Bastos Law) na aktibong dinaluhan ng mahigit 100 participants na binubuo ng mga guro, estudyante, at mga Faculty and Staff ng nasabing paaralan.
Bukod dito, namahagi din ng mahigit 100 IEC materials sa mga estudyante na makakapagbigay ng dagdag kaalaman para maprotektahan ang kanilang sarili laban sa mga maling impormasyon na nakikita nila sa social media.

Nakiisa rin ang PNP COMBO PCADG sa pagbibigay ng intermission number na siyang lalo nagpasaya sa aktibidad.
Patuloy na magsasagawa ng mga ganitong aktibidad ang naturang grupo upang mas mapalawak pa ang kaalaman ng bawat mamamayan sa mga ipinagbabawal ng batas na umiiral sa bansa.
Source: CADD PCADG
Panulat ni Pat Nica Segaya