Sunday, November 17, 2024

School-Based Activities, isinagawa ng RPCADU 2

Cagayan – Nagsagawa ng school-based activities ang Regional Police Community Affairs and Development Unit (RPCADU) 2 sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Efren Fernandez II, Officer-In-Charge, na ginanap sa Solana North Central School (SNCS), Centro Northwest, Solana, Cagayan nitong Miyerkules, Setyembre 13, 2023.

Ayon kay PLtCol Fernandez II, parte ng programa ang pagkakaroon ng tree planting activity at nakapagtanim ang grupo ng 20 narra seedlings sa paligid ng paaralan kasama ang mga SNCS Student Officers, mga guro ng paaralan at mga magulang.

Maliban dito, nagsagawa din ng Drug Awareness Lecture ang mga kapulisan na aktibong pinakinggan at dinaluhan ng higit-kumulang 60 na grade VI pupils.

Samantala, 100 na mga mag-aaral din ang nabigyan ng meryenda na mula sa donasyon ng miyembro ng Tatag-Alab 17-04 at Masidlakan Class.

Nagbahagi ng labis na pasasalamat si Ginang Bonifacia T Bangayan, Punong Guro ng nasabing paaralan, na sila ang naging benepisyaryo ng mga isinagawang aktibidad.

Patuloy ang kapulisan sa pagsasagawa ng iba’t ibang aktibidad upang patatagin ang ugnayan ng pulisya at mamamayan.

Bukod dito nabigyan din ng kamalayan ang mga kabataan na maging responsableng mamamayan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas at pagpapahalaga sa kalikasan.

Source: RPCADU 2

Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles