Leyte – Ipinagdiwang ng Police Regional Office 8 ang ika-122nd Police Service Anniversary na ginanap sa PRO 8 Multi-Purpose Hall, Camp Sec. Ruperto K. Kangleon, Palo, Leyte nitong araw ng Martes, Setyembre 12, 2023.
Ang programa ay may temang “Nagkakaisang Pulisya at Pamayanan Tungo sa Mapayapa at Maunlad na Bansa” na personal na dinaluhan ni Police Lieutenant General Rhodel O Sermonia, The Deputy Chief PNP for Administration bilang Guest of Honor and Speaker kasama si Police Brigadier General Vincent S Calanoga, Regional Director ng Police Regional Office 8.
Dumalo din sa naturang programa si Police Major General Arthur R Cabalona, Deputy Commander ng Area Police Command-Visayas; Police Brigadier General Owen S Andarino, Deputy Regional Director for Administration; Police Colonel Salvador T Alacyang, Deputy Regional Director for Operations at mga kinatawan mula sa iba’t ibang Provincial Government, Regional Heads of different partner Agencies, Departments at Stakeholders.
Isa sa highlights ng programa ang paggawad ng parangal para sa mga deserving PNP personnel, Units at stakeholders para sa kanilang namumukod-tangi at kapuri-puring mga nagawa.
Sa mensahe ni PLtGen Sermonia, “Hindi sa paggunita taon-taon ng PSA nagtatapos ang hakbang sa katangi-tanging paglilingkod sa ating bayan at mamamayan. Nawa’y magsilbing dagdag lakas at inspirasyon ang okasyong ito upang patuloy tayong maglingkod sa sambayanang Pilipino ng higit pa sa hinihingi sa atin ng tawag ng tungkulin.”