Taguig City (January 11, 2022) – Pinuri ni PMGen Vicente Danao Jr, RD, NCRPO ang mga elemento ng DDEU-SPD sa pangunguna ni PMaj Cecilio Tomas Jr, sa ilalim ng pangangasiwa ni PLtCol Renante Galang, C, DID/D2 kasama ang mga tauhan ng DID at DMFB -SPD, at SPD-SDEU Taguig City Police Station Team sa pangunguna ni PLt Ariz A Ramos, Chief, SDEU sa patnubay ni PCol Gerson Bisayas, sa matagumpay na buy-bust operations na nagresulta sa pagkakakumpiska ng mahigit Php860k halaga ng hinihinalang ilegal na droga.
Dakong alas 6:20 ng gabi, Martes, Enero 11, isang tricycle driver na kinilalang si Halil Abo y Mama @ Abu, 26 anyos ang inaresto ng Taguig SDEU. Nakuha sa kanya ang dalawang (2) heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu na humigit-kumulang 25.5 gramo ang timbang na may Standard Drug Price na Php173,400, isang (1) white/brown Marlboro cigarette box at Php200 buy-bust money.
Makalipas naman ang isang oras sa ganap na 7:25 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng DDEU-SPD na humantong sa pagkakaaresto kay Wynlove Buco Y Perez, 38 taong gulang at Eusebio Jr. Bahia Y Siquig, 43 taong gulang sa kahabaan ng # 0131 BLK. 3, Catleya St., Samama Phase 2, Napindan, Taguig City. Narekober sa kanila ang walong (8) pirasong heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaniniwalaang shabu na may markang GMD, GMD-1, GMD-2, GMD-3, GMD-4, GMD-5, GMD-6 at GMD- 7, lahat ay may petsa at lagda, may timbang na MOL 75.8 gramo na may SDP na Php 515, 440.00; isang (1) Php500 bill na may serial number na PZ752752 at may markang letrang D sa kanang bahagi sa itaas at ginamit bilang buy-bust money; at isang (1) pirasong gray na eye glass case (BENCH), na may markang GMD-8.
Pagkaraan nito bandang 10:05 naman ng gabi, inaresto ng SPD PS-6 Taguig City si Raffy Lumenda y Muhamad, 44 taong gulang matapos makuha ang dalawang (2) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu na humigit-kumulang 50.8 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php345,440; at dalawang (2) piraso Php100 na may serial number na HF732802 at NB932154 na parehong may letrang “X” sa kanang itaas na bahagi ng peso bill na ginamit bilang buy-bust money mula sa inilunsad na buy-bust operation sa Road 9 Maguindanao St., Brgy. Bagong Bicutan, Taguig City.
Karagdagan, dakong 11:00 naman ng gabi, dalawang (2) lalaki ang arestado dahil sa ilegal na droga sa kahabaan ng MLQ St., Purok 5, Brgy. Lower Bicutan, Taguig City sa anti-illegal drugs operation ng Taguig SDEU. Kinilala ang mga suspek na sina Alvin Co y Amil a.k.a Abeng, 36 anyos at Jessie Christopher Cruz y Tan, 38 anyos. Narekober sa kanila ang apat (4) na heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu na humigit-kumulang 11.2 grams ang bigat na may Standard Drug Price na Php76,160, isang (1) black coin purse at Php200 buy-bust money.
Lahat ng nasabat na ilegal na droga ay itinurn-over sa SPD Forensic Unit para sa chemical analysis habang nasa kustodiya na ngayon ng SPD DDEU at Taguig SDEU ang mga naarestong suspek. Inihahanda na ngayon ang kasong paglabag sa RA 9165 laban sa mga naarestong suspek.
Ang produktibong trabaho na isinagawa ng mga tauhan ng Southern Police District ay nagpapatunay lamang na masigasig ang ating mga kapulisan sa paghuli ng mga lumalabag kontra ilegal na droga. Hangad ng ating Pambansang Pulisya na mabawasan ang krimen na patuloy na lumalaganap sa ating bansa at mas mapanatili ang kapayapaan sa ating lipunan.
####
Panulat Ni Nica V Segaya