Sultan Kudarat — Sumuko ang tatlong miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa mga awtoridad sa Brgy. Kalawag 2, Isulan, Sultan Kudarat nito lamang Setyembre 9, 2023.
Ayon kay Police Colonel Christopher Bermudez, Provincial Director ng Sultan Kudarat Police Provincial Office, bitbit ang kanilang mga armas ay sumuko ang tatlong dating kasapi ng teroristang grupo mula sa Guerilla Front MUSA Far South Mindanao Region sa tulong ng mga operatiba ng Sultan Kudarat PNP, Highway Patrol Group (HPG) 12 at Bagumbayan PNP.
Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ang mga sumuko na isinuko din ang isang homemade AK-47 assault rifle at isang yunit ng granada.
Dahil sa panlilinlang at sa patuloy na hirap na dinaranas nila sa pagtataso sa bundok at malayo sa piling ng kanilang pamilya ang naging dahilan kung bakit sumuko ang tatlo sa pamahalaan.
“Handa ang ating pamahalaan na tanggapin kayo at bigyan ng kaukulang tulong para makapagsimulang muli ng bagong buhay,” wika ni PCol Bermudez.