Negros Occidental – Arestado ang isang Most Wanted Person na isang miyembro ng Communist Terrorist Group na may kasong Attempted Murder sa isinagawang Joint Operation ng PNP nito lamang ika-10 ng Setyembre 2023.
Kinilala ni Police Major Randy Babor, Acting Chief of Police ng Binalbagan Municipal Police Station, ang suspek na si Junjie Camanso, 30 anyos, may asawa, at residente ng nabanggit na bayan.
Ayon kay PMaj Babor, ang akusado ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Attempted Murder na may piyansang inirekomenda na Php120,000.
Napag-alaman din na si Camanso ay miyembro ng Yunit Militia, Central Negros 1, Komiteng Rehiyon-Negros, Cebu, Bohol, Siquijor (KR-NCBS) NPSR listed.
Ayon pa kay PMaj Babor, naaresto ang suspek bandang 4:30 ng umga sa Brgy. Santol, Binalbagan, Negros Occidental ng mga operatiba ng Binalbagan Municipal Police Station, 2nd NOCPMFC; 61SAC, 6SAB; 62IB, PA; 300AISW, PAF; at RIU6.
Nasa kustodiya na ngayon ng Binalbagan MPS ang naarestong akusado para sa tamang disposisyon.
Patuloy ang PNP sa kampanya nitong wakasan ang insurhensiya sa ating bansa at hulihin ang mga taong may pananagutan sa batas upang maging payapa at ligtas ang ating bayan sa anumang kriminalidad.