Puerto Princesa City – Nagsagawa ng Clean-up Drive ang mga kapulisan ng Puerto Princesa City Police Office sa Liberty Quimzon Purok Seaside 11, Barangay Bagong Sikat, Puerto Princesa City nito lamang Sabado, ika-9 ng Setyembre 2023.
Ayon kay Police Colonel Ronie Bacuel, City Director ng Puerto Princesa City Police Office, namulot at naghakot ng mga kalat at basura ang grupo sa nasabing lugar upang mapanatiling malinis ang kapaligiran at makaiwas sa anomang uri ng sakit.
Kabilang sa nakilahok sa nasabing aktibidad ay ang mga Local Government Unit of Puerto Princesa na pinangunahan ni Hon. Lucilo R Bayron, City Mayor kasama ang City Government personnel, AFP, BJMP, PCG, residente ng Barangay Bagong Sikat, at government agencies at non-government Organizations.
Layunin ng aktibidad na ito na mapanatili ang maayos, malinis, ligtas at kaaya-ayang kapaligiran para sa lahat.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus.