Tawi-Tawi – Arestado ang dalawang lalaki matapos mahulihan ng hinihinalang shabu at baril sa isinagawang joint operation ng mga awtoridad sa Brgy. Tungbangkaw, Panglima Sugala, Tawi–Tawi nito lamang ika-7 ng Setyembre 2023.
Ayon kay Police Captain Kiefer Dean Beray, Company Commander, nakumpiska mula sa mga suspek ang isang M16 A2 rifle na may magazine at sampung basyo ng bala; dalawang plastic sachets at 60 plastic straw na naglalaman ng hinihinalang shabu; isang improvised tooter; at isang perang nagkakahalaga ng Php560.
Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng 5th Regional Mobile Force Company-RMFB BASULTA, 51st Special Action Company PNP-SAF, Provincial Mobile Force Company, Panglima Sugala Municipal Police Station, at Tawi–Tawi Provincial Intelligence Unit.
Mahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.
Patuloy na paiigtingin ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas ang kampanya kontra ilegal na droga tungo sa isang mas mapayapa at maunlad na pamayanan.
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz