Pangasinan – Arestado ng Basista PNP ang isang Most Wanted Person sa kasong Carnapping sa Brgy. Poblacion, Basista, Pangasinan nito lamang ika-7 ng Setyembre 2023.
Kinilala ni Police Captain Hermie Remundo, Officer-In-Charge ng Basista Municipal Police Station, ang suspek na si Joyanni Diamante Lopez, 28, residente ng Brgy. Patacbo Basista, Pangasinan.
Bandang 12:40 PM ng tanghali ng maaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest at mayroong rekomendadong piyansa na Php300,000.
Ang Basista PNP ay patuloy sa pagsasagawa ng operasyon laban sa mga taong may pananagutan sa batas upang mapanatiling ligtas, tahimik at maayos ang komunidad.
Source: Basista Municipal Police Station, Pangasinan
Panulat ni Patrolman Dennis P Carinal