Southern Leyte – Napasakamay ng awtoridad ang tinaguriang High Value Individual Watch Listed sa ilegal na droga matapos mahuli sa buy-bust operation ng PNP-PDEA 8 sa Brgy. Ichon, Macrohon, Southern Leyte nito lamang Setyembre 6, 2023.
Kinilala ni Police Captain Maja Beringuel, Chief ng SLPDEU ang naaresto na si “Bren”, 42, tricycle driver at residente ng nasabing barangay.
Ayon kay PCpt Beringuel, pasado alas-8 ng gabi nitong Miyerkules nang ikasa ang operasyon ng mga operatiba ng Southern Leyte Provincial Drug Enforcement Unit, 1st Southern Leyte Provincial Mobile Force Company, Macrohon Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit at sa koordinasyon ng Provincial Drug Enforcement Agency 8 na positibong nakabili ang nagpanggap na poseur buyer ng tatlong medium size heat-sealed transparent plastic sachets na nagkakahalaga ng Php6,000.
Kasabay ng pagkakadakip ng suspek ay narekober mula rito ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na tinatayang nasa humigit kumulang isang gramo na nagkakahalaga ng Php10,000, drug paraphernalia at buy-bust money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Art II sa ilalim ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Southern Leyte PNP ay hindi titigil na magsagawa ng mga operasyon laban sa mga taong lumalabag sa batas para mapanatiling mapayapa at ligtas ang komunidad.