Kalinga – Nakiisa ang mga tauhan ng Kalinga Police Provincial Office sa isinagawang Community Consultation ng Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) na ginanap sa Brgy. Dao-angan, Balbalan, Kalinga nito lamang Setyembre 6, 2023.
Ayon kay Police Colonel Freddie Lazona, Officer-In-Charge ng Kalinga PPO, ang naturang konsultasyon ay pinasimulan ni Hon. Gobernador James Edduba kasama sina Director Anthony Manolo Ballug ng Department of Interior and Local Government – Kalinga at dinaluhan rin ng iba’t ibang line agencies ng gobyerno gaya ng 1503rd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 15, Bureau of Fire Protection-Balbalan, Philippine Army, Bureau of Jail Management and Penology at mga medikal doktor mula sa Camp Juan Duyan District Hospital.
Naging tampok sa aktibidad ang isinagawang medical mission kung saan nagbigay ng libreng serbisyo ang naturang team tulad ng circumcision, medical consultation, laboratory tests, fluoridization, at dental check-up.
Maliban dito, nag-alok din ang mga Kalinga PNP ng libreng gupit at namahagi ng mga babasahin hinggil sa Crime Prevention at mga calling cards na may mga hotline number ng iba’t ibang istasyon ng pulisya sa buong Kalinga.
Umabot sa kabuuang 700 na residente ang nakinabang sa naturang programa.
Ang aktibong partisipasyon ng mga dumalo sa open forum upang matukoy ang mga isyu at alalahanin ng mga natukoy na ELCAC Barangay kung saan tinalakay din ang mga mabisang paraan upang maipatupad at maihatid ang mga programa at mga serbisyo ng pamahalaan sa komunidad.