Friday, November 8, 2024

3 suspek sa robbery hold-up huli ng Santiago City PNP

Santiago City, Isabela (January 2, 2022) – Nahulog sa kamay ng mga otoridad ang tatlong (3) suspek sa Robbery-Hold up sa Santiago City noong Enero 5, 2022 na nakatangay ng nasa Php1,094,000.00 mula sa dalawang empleyado ng J & T Express.

Sa isinagawang magkahiwalay na hot pursuit operation ng mga tauhan ng City Intelligence Unit ng Santiago Police Office sa pangunguna nina Police Major Andy Orilla ng Police Station 1 at ni Police Major Romel P. Cancejo ng Police Station 2, matagumpay na naaresto ang tatlong suspek sa Purok 5 Barangay Abra, Santiago City at Purok 6, San Isidro, Diffun Quirino noong Enero 11, 2022.

Kinilala ang mga suspek na sina Mack Jay Dela Cruz Venturina, 28 anyos, construction worker; Pee Jay Dela Cruz Venturina, 34 anyos, dating empleyado ng J&T, kapwa residente ng Purok 6, Abra Santiago at Randy Ignacio Andres, 46 anyos, construction worker at residente ng Purok 6, Diffun Quirino.

Ayon sa mga otoridad, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa Confidential Informant na kumilala sa mga suspek base sa CCTV footages ng nasabing insidente na iniupload sa social media.

Narekober mula sa tatlo ang Php120,000 halaga at mga bagay na kanilang binili mula sa perang ninakaw.

Gayundin, nakumpiska kay Randy Andres ang isang (1) cal 9mm pistol na may kasamang magasin na may limang (5) bala at isang(1) granada. Samantala, nakumpisa naman kay Pee Jay Ventura ang isang(1) replica ng cal 45 pistol at isang(1) granada.

Dinala ang mga naarestong suspek sa Police Station 1 at nahaharap sa kasong Robbery with Intimidation, paglabag sa Republic Act 9516 at paglabag sa Omnibus Election Code in relation to COMELEC Resolution No.10728.

Pinuri ni Police Brigadier General Steve B. Ludan, Regional Director ng Police Regional Office 2 (PRO2) ang operating teams ng Santiago City Police Station sa tagumpay na kampanya laban sa kriminalidad at terorista.

“Ang pagkakaaresto sa tatlong suspek sa Robbery Hold-up ay nagpapatunay na walang makakatakas sa mga lumalabag sa batas,” ani PBGen Ludan.

Samantala, patuloy na pinapaigting ng mga tauhan ng PRO2 ang mga kampanya laban sa kriminalidad at terorista upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa buong rehiyon dos.

#####

1 COMMENT

Comments are closed.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,300SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles