Quezon – Nasamsam ang tinatayang Php1,040,400 halaga ng shabu sa isang High Value Individual (HVI) sa ikinasang buy-bust operation ng Quezon PNP nito lamang Setyembre 5, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Ledon Monte, Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Sabog”, 35, residente ng Sitio Kalawit Ibayo, Brgy. Pinagbayanan, Pagbilao, Quezon.
Naaresto ang suspek sa Sitio Lawis, Brgy. Talipan, Pagbilao, Quezon sa pinagsanib puwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit-Quezon Police Provincial Office, Provincial Intelligence Unit-QPPO, Philippine Drug Enforcement Agency 4A-Quezon at Pagbilao Municipal Police Station Intel/Station Drug Enforcement Unit.
Nasamsam sa suspek ang 10 piraso ng heat-sealed transparent sachets na may humigit kumulang na timbang na 51 gramo na nagkakahalaga ng Php1,040,000, isang pirasong Php1,000 bill bilang marked money, 13 piraso ng Php1,000 na ginamit bilang boodle money, isang sling bag at isang unit ng motorsiklo.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Ang matagumpay na Anti-Illegal Drug Operation ay resulta ng mahusay at mas pinaigting na kampanya ng Quezon Pulis laban sa ilegal na droga at sa lahat ng uri ng kriminalidad upang mapanatili ang maayos at maunlad na probinsya ng Quezon,” ani PCol Monte.
Source: Quezon City Police Provincial Office
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin