Samar – Naaresto ng mga tauhan ng Sta Rita Municipal Police Station ang isang Barangay Captain na wanted sa kasong paglabag sa PD 705 sa Brgy. Tatawayan South at Brgy. Tagacay, Sta Rita, Samar noong Setyembre 5, 2023.
Kinilala ni Police Major Rex B Pabunan, Chief of Police ng Sta Rita MPS, ang suspek na si Genaro, 65, residente ng Brgy. Tagacay, Sta. Rita, Samar.
Ayon kay PMaj Pabunan, si Genaro ay may Warrant of Arrest para sa kasong paglabag sa PD 705 o “Revised Forestry Code of the Philippines” na may inirekomendang piyansa na Php40,000.
Patuloy ang Sta Rita MPS sa pagpapanatili ng kaayusan sa kanilang nasasakupan at handang hulihin ang mga taong lumalabag sa batas.