Cebu – Nakumpiska ang tinatayang nasa halos Php200,000 halaga ng pinaghihinalang shabu kasunod ng drug-bust operation ng kapulisan sa Sitio Tabay, Brgy. Labogon, Mandaue City, Cebu noong Setyembre 5, 2023.
Inilunsad ang operasyon dakong alas-11:00 ng gabi noong Martes ng mga operatiba ng Police Station 3, Mandaue City Police Station sa pangunguna ni Police Major Jade Campo Sumugat, Officer-In-Charge.
Arestado ang suspek na kinilalang si alyas “Titing”, 33, residente ng naturang barangay at nasamsam sa pag-iingat nito ang droga na tumitimbang ng 28 gramo na may Standard Drug Price na Php190,400.
Nahaharap ang suspek sa mga reklamong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Tiniyak ng Mandaue City PNP sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Maribel B Getigan, Acting City Director, na patuloy na papaigtingin ang mga kampanya kontra ilegal na droga at lahat ng uri ng kriminalidad para sa kaayusan at kapayapaan ng lungsod.