Laguna – Arestado ang isang lalaking lumabag sa Omnibus Election Code ng mga miyembro ng San Pablo City PNP pagkatapos magpaputok ng baril sa Brgy. Sta Maria Magdalena, San Pablo City, Laguna nito lamang Linggo, Setyembre 3, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Harold Depositar, Officer-In-Charge ng Laguna Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Joen’’, residente ng San Pablo City, Laguna.
Naaresto ang suspek sa ulat ng isang concerned citizen sa mga kapulisan na nakatalaga sa Compact 2 San Pablo City Police Station sa pagpaputok ng baril ng isang lalaki na agad naman nirespondehan.
Nakumpiska sa suspek ang isang Caliber 38 revolver at limang bala.
Ang suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” kaugnay sa Omnibus Election Code.
Ang Laguna PNP ay lalo pang paigtingin ang operasyon laban sa mga loose firearms at hinihikayat ang suporta ng mamamayan para sa isang ligtas at maayos na probinsya lalong-lalo na ngayong nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023.
Source: Laguna Police Provincial Office
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin