Pasay City — Tinatayang Php149,600 halaga ng shabu ang nasamsam sa isinagawang Search Warrant ng mga tauhan ng Pasay City Police Station Drug Enforcement Unit na humantong sa pagkakadakip sa apat na drug suspect nito lamang Lunes, Setyembre 4, 2023.
Kinilala ni PBGen Roderick Mariano, District Director ng Southern Police District, ang mga suspek sa pangalang Roldan, 43; alyas “Denisse”, 25; alyas “Nene,” 35; at alyas “Mar”, 31.
Ayon kay PBGen Mariano, naganap ang operasyon sa kahabaan ng Central Park, Tower 1, Jorge Street, Barangay 132 , Zone 13, Pasay City bandang 1:30 ng tanghali na nagresulta sa pagkakadakip ng mga suspek.
Narekober naman sa operasyon ang isang eyeglass case na naglalaman ng limang maliit na heat-sealed transparent plastic sachet na may timbang na 22 gramo at may street value na Php149,600.
Bukod pa rito, nakumpiska rin ang isang digital weighing scale, isang pakete ng maliit na transparent, dalawang disposable lighter, rolled aluminum foil, aluminum foil strip, at dalawang Vivo cellphone na pag-aari ng mga suspek.
Patuloy ang Southern Metro sa pangangampaya kontra ilegal na droga at hindi titigil sa pagsugpo nito at tinitiyak na pananagutin sa batas ang mga sangkot sa ilegal na aktibidad sa lugar.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos