Aleosan, Cotabato (January 11, 2022) – Sugatan ang pitong (7) indibidwal kabilang ang limang (5) buwang gulang na sanggol sa nangyaring pagsabog ng bomba sa loob ng Mindanao Star bus sa Purok Narra, Upper San Mateo, Aleosan, Cotabato, bandang alas 8:00 ng umaga, Enero 11, 2022.
Tinutukoy pa kung anong uri ng Improvised Explosive Device (IED) ang ginamit pampasabog sa likurang bahagi ng pampasaherong bus na may body number na 1551 na minamaneho ni Michael Sochaysing Hubabib, 36 taong gulang, residente ng Matina, Davao City.
Ang mga tauhan ng Cotabato Police Provincial Office-EOD at Cotabato Crime Laboratory ay patuloy na nagsisiyasat sa pinangyarihan ng krimen. Nagsagawa na rin ng ligtas na pamamaraan para maiwasan ang posibleng pangalawang IED explosion.
Kaagad din na nag-organisa ang Police Regional Office 12 ng Special Investigation Task Group (SITG) na pinamumunuan ni PCol Michael Lebanan, Chief Regional Staff (CRS) para pangasiwaan ang imbestigasyon sa karumal-dumal na pag-atake ng terorista kung saan damay ang mga inosenteng sibilyan.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, sumakay sa bus ang hindi pa nakikilalang suspek na may dalang bagahe sa bandang Kabacan, Cotabato Province na agad na bumaba at iniwan ang kanyang mga bagahe pagdating sa Pikit, Cotabato Province.
Kabilang sa mga sugatang indibidwal ang limang (5) buwang sanggol na si Haron Solaiman Jr., residente ng Kidapawan City; Yushra Solaiman, tatlong (3) taong gulang at Benjamin Solaiman, limang (5) taong gulang na parehong residente ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao; Rodolfo R. Castillo, 67 taong gulang na residente ng Toril Davao City; Lester Alkane Bautista, 17 taong gulang na residente ng Poblacion, Pikit, Cotabato; Haron Solaiman Sr., 24 taong gulang at residente ng Kidapawan City; at Masid Benjamin, 25 taong gulang na residente rin ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Agad dinala ang mga sugatang biktima sa Aleosan District Hospital at Cotabato Regional Medical Center para malapatan ng lunas.
āThe Police Regional Office 12 strongly condemns the cowardly terrorist attack against the innocent commuters of Mindanao Star bus in Purok Narra, Barangay Upper San Mateo, Aleosan, Cotabato Province this morning which wounded seven (7) victims including three (3) children. We hope for the fast recovery of the injured and be assured that those behind the bombing will face the full force of the law.ā pahayag ni PBGen Alexander Tagum.
####
Panulat ni Khnerwin Jay A Medelin – RPCADU12