Monday, October 21, 2024

Higit Php2M halaga ng shabu, nasabat sa buy-bust ng RPDEU 7

Cebu City – Kumpiskado ang tinatayang nasa higit Php2 milyong halaga ng shabu sa suspek na nadakip sa buy-bust operation na ikinasa ng mga operatiba ng Regional Police Drug Enforcement Unit 7 sa Atillo Compound, Tres De Abril Street, Brgy. Punta Princesa, Cebu City, noong Setyembre 2, 2023.

Dakong ala-1 ng madaling araw nito lamang Sabado ng ikasa ng mga awtoridad ang operasyon na humantong sa pagkakaaresto sa high-value drug suspek na si ‘Marvin Karl’, 39 taong gulang.

Nakumpiska sa pag-iingat ng suspek ang hinihinalang shabu na tumitimbang ng nasa 300 gramo na may Standard Drug Price na Php2,040,000 na nakapaloob sa itim na sling bag, buy-bust money, at iba pang mga drug paraphernalia.

Agad naman na isinumite ang mga nakalap na ebidensya sa Regional Forensic Unit 7 para sa pagsusuri.

Mahaharap ang suspek sa mga kaukulang reklamo sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Mensahe ni Police Brigadier General Anthony A Aberin, Regional Director ng PRO 7, ang matagumpay na operasyon ay patunay sa tunay na dedikasyon at maayos na ugnayan ng kapulisan at ng komunidad.

“These results are a testament to the dedicated work of the able, active, and allied police force of PRO7 in partnership with the community and other agencies and remind criminals that Central Visayas is no haven for them,” ani PBGen Aberin.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,280SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles