Cagayan – Arestado ang isang babae matapos makumpiska sa kanya ang MOL 65 gramo ng hinihinalang droga na may Standard Drug Price na Php357,500 sa ikinasang buy-bust operation ng PNP Drug Enforcement Group noong Agosto 28, 2023 sa Barangay Ugac Norte, Tuguegarao City, Cagayan.
Kinilala ni Police Colonel Julio Gorospe Jr, Provincial Director ng Cagayan PPO, ang suspek na si alyas “Marj”, 26, na naaresto matapos bentahan ng asset ng isang (1) sachet ng hinihinalang shabu.
Nakuha din mula sa suspek ang mahigit Php104,000 halaga ng boodle money, limang (5) pirasong sachet ng hinihinalang shabu, cellphone, at Php1,000 buy-bust money.
Nahaharap si alyas Marj sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Magatumpay ang operasyon sa tulong ng iba’t ibang hanay ng Cagayan Police Provincial Office at Tuguegarao Component City Police Station.
Pinuri ni Police Brigadier General Christopher C Birung, Acting Regional Director ng Police Regional Office 2, ang mga operatiba sa matagumpay na pagkakadakip sa suspek. Hinimok din niya ang mamamayan na lumapit sa kapulisan kung may nalalaman sila na sangkot sa ilegal na droga.
Patuloy ang Pambansang Pulisya sa pagsasagawa ng mga kampanya kontra ilegal na droga sa pakikipagtulungan ng komunidad para mawakasan ang mga suliraning dulot nito sa lipunan.
Source: Police Regional Office 2