Malay, Aklan (January 9, 2022) – Kinumpirma ni Aklan Governor Florencio Miraflores sa kaniyang pinirmahang Executive Order No. 001-2022 na simula ngayong Enero 9, 2022, kinakailangan na uli ng negative RT-PCR test result ang mga turistang nagbabalak pumunta sa Boracay bago pa man sila makapasok sa isla. Ito’y upang agapan ang posibleng paglobo ng COVID cases sa nasabing lugar.
Nakasaad sa EO na lahat ng turista at byaherong papasok sa probinsiya ay kinakailangang kumuha ng QR code for contact tracing purposes. Kinakailangan din nilang magfill-up ng Online Health Declaration Card (OHDC) registration sa touristboracay.com at ipasa ang negative result ng kanilang COVID test “with date of extraction within 72 hours to date of travel”. Maliban pa roon, kailangan din nilang magpakita ng proof of residency sa Pilipinas, confirmed hotel booking mula sa Department of Tourism-accredited accommodation establishment, at round-trip flight details. Samantala, vaccination certification mula sa Department of Health, or locally issued vaccination card naman ang kinakailangan para sa mga turistang taga- Aklan lang.
Binalik din ni Governor Miraflores ang curfew sa Boracay na nagpapahintulot sa mga business establishments na mag-operate mula 5 sa umaga hanggang 9 ng gabi. Hinimok din niya na sumunod ang lahat ng business at accommodation establishments sa Boracay na iscan ang lahat ng tourists’ QR codes o tingnan ang kopya ng OHDC, bago sila makapasok.
Tiniyak naman ng Malay MPS sa pangunguna ni PLtCol Don Dicksie De Dios na maipatupad ng maayos ang panibagong health safety protocols at curfew sa Isla ng Boracay.
#####
Panulat ni Pat Kher Bargamento
Salamat po sa inyo mam/sir