Mandaluyong City — Namahagi ng school supplies ang mga tauhan ng Mandaluyong City Police Station para sa mga mag-aaral ng Amado T Reyes Elementary School sa Brgy. Buayang Bato, Mandaluyong City nito lamang umaga ng Miyerkules, ika-30 ng Agosto 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Station Community Affairs and Development Section sa pangangasiwa ni Police Captain Jurana Ollaging, Chief, SCADS kasama ang mga tauhan ng Substation 5 sa pamumuno ni Police Colonel Mary Grace Madayag, Acting Chief of Police ng nasabing istasyon.
Ang naturang aktibidad ay naglalayon na mabigyan ng dagdag na kagamitan ang bawat mag-aaral ng paaralan upang magamit sa kanilang pag-araw-araw na pag aaral.
Nagpapasalamat naman ang mga estudyanteng nakatanggap ng donasyon mula sa kapulisan dahil ito ay magiging kanilang inspirasyon upang mag-aral ng mabuti.
Source: Mandaluyong Cps Tagapag-Ugnay
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos