Gingoog City – Nagsagawa ng Feeding Program ang mga tauhan ng Revitalized Pulis sa Barangay Team Eureka sa Sitio Apo Pinadamhong Mandokita, Brgy. Eureka, Gingoog City nito lamang Agosto 29, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Staff Seargent Ermie Jarantilla sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Cholojun Caduyac, Provincial Director ng Misamis Oriental Police Provincial Office kasama ang mga volunteers at Philippine Army.
Ang programa na may temang “We Rise By Lifting Others” na may mahigit 50 na mga magulang at bata ang naging benepisyaryo sa naturang programa.
Patuloy na maghahatid ang Misamis Oriental PNP upang maisakatuparan ang mga iba’t ibang programa ng ating pamahalaan tungo sa maayos na kinabukasan at pagtibayin ang ugnayan ng PNP at mamamayan.