Bohol – Bunga ng maigting at agresibo na intelligence operation, kumpiskado ng kapulisan ng Bohol Police Provincial Office ang tinatayang nasa higit Php1 milyong halaga ng droga, baril at mga bala sa buy-bust operation na inilunsad sa Brgy. Songculan, Dauis, Bohol, Agosto 25, 2023.
Sa pangunguna ng mga tauhan ng Dauis Municipal Police Station, naisagawa ang operasyon dakong 8:13 ng gabi na nagresulta sa pagkakaaresto kay Jemar Suan Sumaylo, kilala rin bilang Pangog, 36, high-value target at naninirahan sa Purok 5, Brgy. Sta Cruz, Sierra, Bullones, Bohol.
Nakumpiska kay Sumaylo ang tinatayang 160 gramo ng shabu na may Standard Drug Price na Php1,088,000, isang caliber 38 revolver na kargado ng mga live ammunition, isang cellular phone, isang belt bag at isang unit raider na motorsiklo at mga susi.
Ang mga drogang nasamsam ay isinumite sa Bohol Forensic Unit para sa pagsusuri at ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 at R.A 10591.
Pinuri ni PBGen Anthony A Aberin, Regional Director ng Police Regional Office 7, ang Dauin PNP sa pagkakaaresto sa high value suspek at pagkakasamsam ng droga mula sa kanya na kinabibilangan ng baril at mga bala.
“PRO7 remains committed to proactively targeting those involved in supplying drugs. We have a zero-tolerance policy towards this,” pahayag ni PBGen Aberin.
Source: PIO, PRO 7