Mountain Province – Kusang-loob na sumuko ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa tanggapan ng 1502 Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 15 sa Brgy. Babalaan, Tadian, Mountain Province nito lamang ika-28 ng Agosto 2023.
Kinilala ni Police Captain Harrison Humiwat, Company Commander, 1502 Manuever Company, RMFB 15, ang sumuko na isang lalaki, 35 anyos, may asawa, isang magsasaka a t miyembro ng CTG sa ilalim ng WKLG AMPID (NPSRL).
Kasabay ng kanyang pagsuko ay ang pagturn-over ng isang caliber .44 revolver na may serial number na 290719 at marka na “United States Property”, “US R.M.”, “ODE”, “1917” at “No.13”.
Ang nasabing pagsuko ay naging matagumpay sa pagsisikap ng mga pinagsanib na pwersa ng Mountain Province PNP, RMFB 15, Ifugao PNP at Philippine Army.
Patuloy naman na nanawagan si PCpt Humiwat sa mga natitira pang miyembro ng CTGs na magbalik-loob sa pamahalaan upang makasama ang kanilang pamilya at makapamuhay ng mapayapa, at malayo sa gulo na dulot ng maling ideolohiya.