Cebu City – Pinangunahan ni Police Lieutenant General Rhodel O Sermonia, The Acting Deputy Chief PNP for Administration, ang isinagawang BIDA (Buha’y Ingatan, Droga’y Ayawan) Validation sa tatlong rehiyon ng Visayas na ginanap sa Police Regional Office (PRO) 7, Camp Sergio Osmeña Sr., Cebu City, noong Huwebes, Agosto 24, 2023.
Bilang bahagi at tanda ng mainit na pagtanggap, ginawaran si PLtGen Sermonia ng Foyer Honor na pinangunahan ni Police Brigadier General Anthony A Aberin, Regional Director ng PRO 7, na sinaksihan at dinaluhan nina Police Major General Arthur R Cabalona, Deputy Commander, APC-Visayas; Police Brigadier General Archival D Macala, DRDA, PRO 6; Police Brigadier General Owen S Andarino, DRDA, PRO 8; personnel ng PRO 7; Command Group; Regional Staff; National Support Units; at ang mga miyembro ng PNP – PRO7 Defense Press Corps.
Sa panayam sa mga tauhan ng PRO 7, binigyang-diin ni Police Lieutenant General Sermonia ang pangako ng Pambansang Pulisya na suporta at pakikiisa sa BIDA Program ng SILG na si Atty. Benjamin Abalos, Jr., sa pamamagitan ng pagsusulong ng iba’t ibang police-community programs na malaking tulong upang maiangat ang moral and spiritual development ng mga anti-drug advocates.
Tiniyak din niya na patuloy na palalakasin ng puwersa ng pulisya ang mga estratehiya upang pigilan at matuldukan ang problema sa droga sa tulong at tuloy-tuloy na partisipasyon ng civil community, stakeholders, at iba pang ahensya ng gobyerno at non-government agency.
Dagdag pa, muling pinaalalahanan ni Police Lieutenant General Sermonia ang mga commander ukol sa mahigpit na pagsunod sa Doctrine of Command Responsibility at Police Operational Procedure upang maiwasan ang anumang uri ng paglabag sa kabila ng pagganap ng mga tungkulin at responsibilidad.
Kasunod nito, nangako ang PNP sa Anti-Crime Coalition for Peace and Progress International (ACCPPI), na kinabibilangan ng mga miyembro at kinatawan mula sa National Convenors at Regional/Provincial Advocacy Support Groups at Force Multipliers, sa pakikiisa sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaunlaran ng komunidad.
Matapos ang ilang oras na presentasyon ng BIDA Accomplishments mula PRO 6, 7, at 8, bilin ni Police Lieutenant General Sermonia sa mga naturang tanggapan na siguraduhin na nakaangkla sa mga layunin ng BIDA Program ang bawat pagganap ng tungkulin.
Source: PIO, PRO 7