Caloocan City (January 9, 2022) – Naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest ang tinuturing na Top 7 Most Wanted Person ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP DEG) sa 908 Franville 2 Subdivision, Camarin Area A, Caloocan City noong Enero 9, 2022.
Kinilala ang suspek na si Marfrie Galasinao y Acob, 38 anyos, trabahador at residente ng Taggapan St., Quezon, Solano, Nueva Vizcaya.
Matapos ang masusing surveillance ng Solano Municipal Police Station at ng Cadena de Amor Police Station ay natapos ang halos kalahating dekadang pagtatago ni Galisanao sa batas.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article II, Sections 6 at 12 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sa kasalukuyan, si Galasinao ay nasa kustodiya ng mga umarestong pulis para sa booking procedures bago ipasakamay sa court of origin.
#####
Husay nmn..salamat sa mga Alagad Ng Batas