Timbog ang isang babae sa kasong paglabag sa RA 9165 at nakatala bilang Regional Top 10 drug personality ng Police Regional Office Cordillera sa isinagawang Search Warrant sa lleb, Nambaran, Tabuk City, Kalinga noong Setyembre 10, 2021. Ito ay sa pamamagitan ng pinagsamang operatiba ng Kalinga Police Provincial Office kasama ang RID PROCOR, RMFB15, at RACU COR.
Ang pag-aresto sa suspek na kinilalang si Anita Paclay Sabawil a.k.a Ammanay, 47 taong gulang at tubong Tinglayan, Kalinga ay mula sa Search Warrant na inilabas ni Presiding Judge Randy B. Bulwayan ng RTC Branch 39, Lubuagan, Kalinga.
Nadiskubre at nakumpiska sa bahay ni ‘Ammanay’ ang dalawang bricks ng dried marijuana leaves at stalks na nakabalot sa isang cling wrap na may bigat na 2,000 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php240,000.
Ang pag-imbentaryo sa mga nakumpiskang ebidensiya ay sinaksihan nina Punong Barangay Jimmy Suwagon ng Barangay Nambaran, Tabuk City; Media Representative na si Ms. Melisa Guavez; at DOJ Representative na si Lailanie S. Balao-ing.
Ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensiya ay dinala sa Tabuk City Police Station para sa kaukulang dokumentasyon.