Nueva Ecija – Narekober ang mga nakatagong armas at pampasabog ng mga komunistang teroristang grupo sa tulong ng isang dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Brgy. Cambitala, Pantabangan, Nueva Ecija nito lamang Biyernes, ika-18 ng Agosto 2023.
Ang naturang operasyon na pinamunuan ni Police Colonel Richard Caballero, Provincial Director ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) katuwang ang mga tauhan ng Nueva Ecija 2nd Provincial Mobile Force Company.
Nahukay ng mga awtoridad ang dalawang rifle grenade, dalawang long magazines, dalawang short magazines, 16 na bala ng caliber 5.56mm, 28 detoriating ammunition ng cal. 7.62 mm, dalawang tactical bandolier, isang pirasong wire at isang baterya.
“Aming paiigtingin ang Intelligence monitoring at Internal Security Operations upang wakasan ang Local Communist Armed Conflict sa Nueva Ecija”, pahayag ni PCol Caballero.
Source: Nueva Ecija Police Provincial Office
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera