Capiz – Kusang sumuko at nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang dating miyembro ng Communist Terrorist Group sa 2nd Capiz PMFC Headquarters, Brgy. Manhoy, Dao, Capiz nito lamang ika-18 ng Agosto 2023.
Ang dating miyembro ng CTG ay kinilalang si “Ka Roque”, 56, may asawa, isang manggagawa, na residente sa bayan ng Dumalag sa nasabing lalawigan.
Kusang sumuko si “Ka Roque” sa mga tauhan ng 2nd Capiz Provincial Mobile Force Company, Dumalag Municipal Police Station, Capiz Police Provincial Office-Provincial Intelligence Unit, at Capiz Police Provincial Office PIDMU.
Ayon kay Police Major Marvin R Balmes, OIC ng 2nd Capiz PMFC, si Ka Roque ay dating miyembro ng Squad 2 ng Tugalbong Platoon na ngayon ay kilala sa pangalang “Igabon Platoon”, Central Front, KR-Panay at siya ay nagsilbi sa kilusan sa taong 1984-1987, sa ilalim ng liderato ni Ebong Farinas alias “Ka Ebong”.
Isinuko rin ni Ka Roque ang kanyang hawak na armas na isang unit ng homemade Cal .38 revolver.
Kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng 2nd Capiz PMFC ang nasabing former rebel para sa dokumentasyon at validation upang mabigyan ito ng mga benepisyong inaaalok ng gobyerno sa ating mga kapatid na nagbabalik-loob.
Ang pagsuko ng dating rebelde ay resulta ng pagtutulungan ng kapulisan ng Western Visayas, kasama ang lahat ng ahensya ng gobyerno at mamamayan upang makamit ang minimithing kapayapaan at kaunlaran, at isa rin itong patunay na unti-unti ng naliliwanagan sa katotohanan ang ating mga kababayan sa kanayunan sa panlilinlang ng makakaliwang grupo.