Ifugao – Nadiskubre ng mga awtoridad ang mga gamit pandigma ng rebeldeng grupo sa Sitio Maloy, Namal Asipulo, Ifugao nito lamang ika-16 ng Agosto 2023.
Ayon kay Police Colonel Davy Vicente Limmong, Provincial Director ng Ifugao Police Provincial Office, matagumpay na nadiskubre ang mga nasabing kagamitan sa pangunguna ng mga tauhan ng Asipulo Municipal Police Station at 1st Ifugao Provincial Mobile Force Company, kasama ang Provincial EOD and Canine Unit (PECU) Ifugao,1st Ifugao PMFC, PIU, CIDG Ifugao, Regional Mobile Force Battalion 15, Regional Intelligence Unit 14, PNP Special Action Force, at Philippine Army.
Ayon pa kay PCol Limmong, nadiskubre ang mga gamit pandigma sa tulong ng impormasyon na binigay ni alyas “Fidel”, dating rebelde, sa ilalim ng nabuwag na KLG Ifugao, na nilibing umano sa nasabing lugar noong taong 2017.
Samantala, narekober mula sa lugar ang dalawang Grenade Rifle 40mm HE with BT, isang Ctg 40mm HE, tatlong Ctg 40mm HE, isang Mine APERS Improvised, fifteen feet Stranded wire No. 16, isang cellphone switch, isang cal. 45 pistol na may markang COLT’S GOVERNMENT MODEL at Serial Number 140741 na walang magazine at live ammunition, isang magazine of M14 Rifle, isang long magazine for M16 Rifle, at isang short magazine ng M16 Rifle.
Nanawagan naman ang awtoridad na magbalik-loob sa gobyerno ang mga tagasuporta at miyembro ng mga makakaliwang grupo, at lisanin na ang ipinaglalaban na maling ideolohiya, upang makamtan ang payapa, ligtas, at nagkakaisang bansa.