Mandaluyong City – Matagumpay na naisagawa ang Red Carpet Premiere Night Show ng PNP Advocacy Film na “Badge of Honor” na ginanap sa Cinema 1, 3/F Building A, SM Megamall, EDSA corner Julia Vargas Avenue, Mandaluyong City nito lamang Lunes ng gabi, Agosto 14, 2023.
Pinangunahan ito ni Police Brigadier General Lou Evangelista, Director ng Police Community Affairs and Development Group kasama ang iba’t ibang Director at mga senior Police Commissioned Officers ng PNP National Headquarters at ng National Capital Region Police Office.
Bago ang Premiere Night ng nasabing pelikula ay nagkaroon ng Press Briefing sa mga pangunahing mga bida ng pelikula na sina Mr. Jeric Raval, Mr. Rommel Padilla, Ms Empress Schuck, Mr. Rayver Cruz, Mr. Alfred Vargas, and Mr. Olinares na sinamahan ni PBGen Jose Melencio C Nartatez, Jr, Regional Director, NCRPO kasama ang mga reporters ng GMA7 at Rise and Shine Pilipinas na kung saan tinalakay ang adbokasiya at ang tema ng pelikula.
Samantala, mahigit kumulang 400 guests ang nanood sa nasabing premiere show.
Nagpapasalamat naman ang buong cast at ang production team ng pelikula sa mga guest, sponsors at sa Pampansang Pulisya ng Pilipinas sa kanilang walang sawang suporta dito.
Layunin ng nasabing pelikula na ipakita ang dedikasyon at sakripisyo ng PNP para sa seguridad at kapakanan ng komunidad.