Manila – Lumahok sa isinagawang Brigada Eskwela ang mga tauhan ng Regional Police Community Affairs and Development Unit (RPCADU NCR) sa Rosauro Elementary School sa Tondo, Maynila nito lamang Martes, Agosto 15, 2023.
Pinangunahan ng mga miyembro ng RPCADU NCR ang naganap na dance fitness activity bilang mga dance instructors na dinaluhan ng mga magulang at guro ng nasabing paaralan.
Layunin ng ating kapulisan na mas lalong mapalapit sa ating komunidad at matulungan ang bawat mag-aaral, magulang at mga guro sa pagpapanatili ng seguridad sa bawat paaralan ngayong malapit na ang balik-eskwela ng nga mag-aaral.
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos