Sarangani Province – Tatlong miyembro ng Communist Terrorists Group (CTG) ang boluntaryong sumuko sa Alpha Company, 73rd Infantry Battalion, Philippine Army sa Sitio Lout, Poblacion, Malapatan, Sarangani Province nito lamang Agosto 12, 2023.
Ang matagumpay na pagsuko ng tatlong miyembro ng CTG ay bunga ng pagtutulungan at pagkakaisa ng mga otoridad sa isinagawang joint intel-driven operations ng 73rd Infantry Battalion, Philippine Army, Sarangani PNP at sa patuloy na binibigay na suporta ng pamahalaang panlalalawigan ng Sarangani.
Kinilala ni Police Brigadier General Jimili Macaraeg, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang tatlong boluntaryong sumuko na sina alyas “Leo”, alyas “Mak-Mak” at si alyas “Kamansi”, na pawang mga dating miyembro ng teroristang grupo mula sa Milisyang Bayan sa ilalim ng DGF TALA at kapwa residente ng Barangay Upper Suyan, Malapatan, Sarangani.
Isinuko rin nila ang isang yunit ng homemade shotgun. Ayon kay PBGen Macaraeg, ang lahat ng sumukong CTG kasama ang kanilang isinukong armas ay nasa kustodiya na ng Alpha Company 73rd IB, Philippine Army para sa kaukulang dokumentasyon at disposiyon.
Kaugnay rito, patuloy pa rin ang panawagan ni PBGen Macaraeg sa mga natitira pang miyembro ng CTG na magbalik-loob na sa pamahalaan upang mapakinabangan ang mga programa at benepisyo ng gobyerno na nakalaan para sa ikabubuti ng kanilang buhay at para makamit ang kapayapaang matagal na nating inaasam-asam.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin