La Trinidad, Benguet (January 6, 2022) – Nasa kabuuang Php816,000 halaga ng mga halamang marijuana ang natanggal at tatlong (3) drug personalities ang naaresto ng mga pulis ng PROCOR sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operations na isinagawa sa Benguet mula Enero 4 hanggang 6, 2022.
Sa tatlong araw na isinagawang Marijuana Eradication, nadiskubre ng mga operatiba ng Bakun MPS sa Brgy. Poblacion, Bakun, Benguet ang kabuuang 1,600 piraso ng Fully Grown Marijuana Plants (FGMP) na may Standard Drug Price (SDP) na Php320,000 na nilinang sa 400 square meters na communal land.
Samantala, nadiskurbe din ng mga operatiba ng Kibungan MPS ang nasa kabuuang 2,480 piraso ng FGMP na nagkakahalaga ng Php496,000 na nilinang sa kabuuang sukat ng lupain na 620 sa Brgy. Tacadang, Kibungan, Benguet.
Lahat ng nadiskubreng halaman ng marijuana ay binunot at sinunog ng mga operatiba habang nagpapatuloy naman ang imbestigasyon para matukoy ang mga posibleng salarin.
Dagdag pa, sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Poblacion, Mankayan, arestado ang suspek na si Rey matapos nitong ibenta sa isang operatiba na umaktong poseur-buyer ang isang (1) plastic sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 0.30 gramo at SDP na Php2,040.
Gayundin, sa magkahiwalay na buy-bust operation, inaresto ang suspek na si Leonard matapos itong magbenta ng dalawang (2) piraso ng plastic sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 0.09 gramo na may SDP na Php612 sa isang operatiba na umaktong poseur-buyer.
Higit pa rito, sa Brgy. Abatan, Buguias, arestado ang suspek na si Virgilio matapos nitong ibenta sa isang operatiba na umaktong poseur-buyer ang isang (1) plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na 0.25 gramo na may SDP na Php1,700.
Ang mga naarestong suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa kustodiya ng kani-kanilang operating unit para sa dokumentasyon at tamang disposisyon habang ang mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
######
Source: PROCOR-PIO