Friday, January 31, 2025

Dalawang “Notorious” na magnanakaw, timbog ng Puerto Galera PNP

Oriental Mindoro – Timbog ang dalawang lalaki matapos ikasa ng mga tauhan ng Puerto Galera Municipal Police Station ang isang entrapment operation sa tulong ng tracking device gamit ang account ng biktima na nasa isang cellphone na nakumpiska sa mga suspek sa Barangay Ibaba West, Calapan City, Oriental Mindoro noong ika-12 ng Agosto 2023.

Kinilala ni Police Major Jeryll John Lauron, Acting Chief of Police ng Puerto Galera MPS, ang mga suspek na may alyas na “Gilbert”, 26, na may dati na ding record ng pagnanakaw sa bayan ng Mamburao, Occidental Mindoro noong 2019, habang ang isa naman ay si alyas “David”, 23, na kapwa residente ng bayan ng Baco, Oriental Mindoro.

Ayon kay PMaj Lauron, nabawi mula sa mga suspek ang iba pa nilang nakuhang gamit na aabot sa halagang Php200,000 tulad ng “Ipad Air”, Tablet, HP Gaming Laptop, OPPO Smartphone at REALME Smartphone ng akyatin nila ang ikalawang palapag kung saan matatagpuan ang kwartong tinitirhan ng biktima sa isang resort sa Puerto Galera, subalit hindi na nabawi pa ang personal na pera ng biktima na halagang Php8,000.

Nahaharap sa kasong Robbery ang dalawang suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng Puerto Galera MPS habang inihahanda ang mga dokumento laban sa kanila.

“Asahan po ninyo ang maigting na pagbabantay ng ating mga kapulisan sa bayan ng Puerto Galera at sisiguraduhin namin na masasampahan sila ng kaukulang kaso upang matigil na ang mga serye ng nakawan sa bayang ito” ani PMaj Lauron.

“Nananawagan kami sa publiko na mas lalong mag-ingat, maging alerto, pangalagaan ang seguridad ng inyong mga tahanan at i-report agad sa amin ang mga insidenteng tulad nito,” dagdag pa ni PMaj Lauron.

Panulat ni Patrolman Erwin Calaus

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles