Nueva Ecija – Tuloy-tuloy ang pag-arangkada ng Relief Operations ng Zaragoza PNP para sa mga residente ng Brgy. San Isidro, Zaragoza, Nueva Ecija nito lamang Biyernes, ika-11 ng Agosto 2023.
Ang naturang operasyon na pinangasiwaan ni Police Major Ronnie Caagbay, Chief of Police ng Zaragoza Municipal Police Station.
Umabot sa 500 na pamilya ang nabigyan ng relief goods na kung saan naapektuhan ng hagupit ng “Bagyong Egay” sa Central Luzon.
Labis ang pasasalamat ng mga residente sa hatid na tulong at malasakit ng ating Pulisya na may layunin na matulungan ang ating mga kababayan na lubos na nangangailangan.
Sinisiguro ng Zaragoza PNP ang patuloy na paghahatid ng serbisyo at pagpapanatili ng matibay na ugnayan ng PNP at komunidad.
Source: Zaragoza Municipal Police Station
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera